‘Di ako makapag-purong ingles ngayon (really, ngayon lang?), so pwede bang taglish mode muna tayo?

Sa sobrang strong ng ulan last Saturday (Taglish nga!), hindi namin (ko at ng mga kalaro ko ng volleyball sa isang village na malapit sa amin) napigilan na maligo at magbasaan. Actually, wala namang choice talaga kasi nung pauwi na kami, we had to wade thru eskinitas flooded hanggang baywang(walang exaggeration ‘yan). Tawa kami ng tawa kahit medyo natatakot na rin kami dahil sa medyo may kalakasan talaga ang daluyong (tagalog!) ng tubig-baha. Hindi kami sa mga mikrobyo na-afraid (mapa-tetano o leptospirosis man ‘yan) kundi sa mga sumasalubong sa aming naglalakihang kahoy (meron pang singlaki ng rattan na upuan). Napalangoy pa talaga yung isa sa mga kaibigan ko para lang maiwasan yung isang malaking piraso ng kawayan na sumalubong sa kanya. ‘Sangkatutak talagang tawanan.

Nung malagpasan na namin ang delubyo ng baha, nadaanan namin ang isang kumpulan (ng mga tao) sa isang tulay sa Mindanao Avenue. Takbo kami para maki-usyoso. Ito pala ang pinagkakaguluhan. ‘Dun lang medyo natigil ang tawanan namin.