Para sa pagtuturo mo sa akin ng multiplication table noong anim na taong gulang pa lang ako, ito habang naglalaba ka sa kalaliman ng gabi ka at tanging ilaw lang ng lampara ang ating gamit dahil wala pa tayong kuryente noon

Para sa paghehele mo sa akin noong maraming beses ako umatungal sa gabi dahil sa sakit ng ngipin ko

Para sa pagputok mo ng nana ko sa paa sa talampakan gamit ang sterilized na nail cutter na iyong ginawa sa kalagitnaan ng mahimbing kong pagtulog para hindi ko maramdaman ang sakit

Para sa pagtitinda mo ng tinapa/tocino atbp sa kasagsagan ng init ng araw para sa aming tatlo

Para sa pagbibigay mo sa akin ng five-dollar bill na may kung ilang taon ding nagsilbing palamuti ng wallet mo, dahil wala ka na talagang maibigay

Para sa hindi mo pagsuko kahit ganun si tatay

Para sa marami pang bagay hindi ko na iisa-isahin

Para sa lahat ng kung ano ako ngayon.

I love you, Nanay. Everyday and twice every 2nd of May. Happy birthday!